Tuesday, January 18, 2011

Hiling Ko'y Pagmamahal


Nag-iisa, nakaupo sa isang sulok sa madilin na kuwarto...
Ayaw nang makita pa o marinig ang mapagsamantalang mundo
Nagsawa na ba ako sa mga mata ng tao?
O kaya naglaho na ba ang tiwala ko sa aking pansariling kapakanan?

Kahit kailan, hindi ako huminto sa paghahanap ng aking sarili sa ilalim ng buwan...
Kapag kapiling kita, lagi akong naniniwala at nararamdaman na ikaw ang mundo ko
Kahit kailan, hindi ako sumuko sa paghanap ng aking sarili sa aking mga di mabilang na panaginip
Kapag kapiling kita, lagi akong naniniwala na ikaw ay totoo...

Kahapon, nasabi ko sa aking sarili, "ah, mas mapalad ako bukas"...
Ngayon, heto pa rin ako nagmamahal subali't walang mahanap na nagmamahal sa akin..
Bawat araw, naghihintay ng pagmamahal, at nararamdaman wala ng pag-asa pa..
Ito ba ang kapalit dahil sa mapait kong nakaraan?

Walang araw na nararamdaman ko na pinabayaan ako ng mundo
O kahit isang saglit na hindi naghahanap kung saan ako patungo...
Nilunod na ako ng katahimikan, kadiliman at walang tiwala!
Kamatayan, paghihinagpis at kalungkutan ang walang hanggang kalaban at sadyang hindi ako mananalo!

Wala nang lugar para sa mga katulad kong napabayaan...
Ang tanging naibigay sa akin ng mundo na kagandahan ay hindi na makikita pa..
Sa paglipas ng bawa't taon, ni hindi pumasok sa aking isipan na iwanan ako...
Oo, ang aking tiwala sa iyo ang nagbigay sa akin ng pag-asa, na ako'y buhay, palaging lumalaban sa mapanlinlang na mundo..

Kahit kailan hindi ako huminto sa paghanap ng sarili kong kaluluwa...
Kapag kapiling kita, nakikita ko ang tunay na kagandahan ng mundo...
Sinubukan kong naghanap ng ibang pagmamahal...
Subali't ikaw lang, kapag kapiling kita, nararamdaman ko ang sarili ko na nasa bagong panahon..

Sapagka't ang tanging hiling ko....
Ay iyong pagmamahal....



No comments:

Post a Comment